Pilipinas at Japan Nilagdaan ang P95-Billion Loan para sa Railways at River Projects sa Bansa




Pinagtibay ng Pilipinas at Japan ang nasa ₱95 billion loan para sa pagsusulong ng mga proyektong magpapabuti ng imprastraktura at ekonomiya ng ating bansa.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Domiguez – pinangunahan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Japanese Ambassador Koji Haneda ang exchange notes.

Loading...

Kabilang sa mga nilagdaang proyekto ay ang north-south commuter railway project mula Tutuban, Maynila hanggang Calamba, Laguna (south portion) at Malolos, Bulacan hanggang Clark, Pampanga (north section).

Layunin nitong mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila at magbigay ng ginhawa sa riding public.

Nagkakahalaga ang proyekto ng ₱78 billion.

Bukod dito, pirmado rin ang Pasig-Marikina River Channel Improvement Project Phase 4 kung saan sakop nito ang dredging, pagtatayo ng dike, control gate structure at pagsasa-ayos ng river walls.

Layunin nitong maibsan ang pagbaha sa mga mabababang lugar sa Metro Manila.

Nagkakahalaga ang proyekto ng ₱18 billion.

Dagdag pa ni Dominguez, napag-usapan din ang ilang nakatakdang proyekto sa Pampanga, Metro Manila at Mindanao.

Source: https://rmn.ph/pinagtibay-halos-p100-b-loan-para-sa-pagpapabuti-ng-economic-at-infrastructure-sector-ng-bansa-nilagdaan-na/


Loading...

Comments

Popular Posts

Bakit ito, hindi kayo nag ingay? Footbridge na ginawa during Aquino Administration

Kauna-unahang Navy Missile Weapon ng Pilipinas, Nabili na!

DFA Sec. Teddy Locsin Inilantad ang mga Kasinungalingan ni Sen. Trillanes Tungkol sa Oil Exploration MOU sa China

Opisyal ng MAGDALO, Umaming may Koneksyon ang Grupo nila sa NPA

VP Leni, Naligo ng Batikos Matapos Sabihing ibabalik nya ang Pagka-disente ng Serbisyo Publiko kung Siya'y Maging Presidente

Wow ang Ganda World-Class City Project ng DU30 Gov't, Ibinida!

French Gov't, Naglbigay ng P27-M sa DU30 Govt para Pag-aralan ang Pagtatayo ng Cable Car sa Bansa!

Day Care Center, Sinunog ng mga Suspected NPA Dahil Hindi Nabigyan ng Pera!

Exposé ni Former Sulu Gov. Tan sa Dayaan noong 2016 Election, Hindi Pinalabas ng ABS-CBN?