Day Care Center, Sinunog ng mga Suspected NPA Dahil Hindi Nabigyan ng Pera!

Kaaba-aba ang sinapit ng mga batang mag-aaral sa Magpet, Cotabato. Ayon sa ulat ng GMA News at Remate, sinunog diumano ng mga suspected New People’s Army (NPA) mula sa Guerilla Front 53 ang day care center kung saan nag-aaral ang mga musmos.
Nagpanggap umano ang mga pesteng komunista na mga miyembro ng kasundaluhan, pinalabas ang mga batang estudyante at mga guro, at saka sinilaban ang silid aralan, ayon kay Magpet Police Chief Inspector Jun Napat. Iginapos pa umano ng mga rebelde ang mga guro habang nagsisi-iyakan ang mga bata.

Nangingikil umano ng P50,000 ang mga komunista bilang revolutionary tax sa barangay at nang hindi naibigay ang kapritso nila ay saka sinunog ng mga kawatan ang day care center. Hindi naman agad naka-responde ang mga otoridad dahil may itinanim umanong mga bomba ang mga rebeldeng komunista sa mga kalsada.
“That was relayed to us by our contacts in the area saying that other members of Guerilla Front 53 of the New People’s Army will conduct roadside bombing and ambuscades to any government troops who will proceed to the area to conduct investigation and pursuit operation,”
Loading...
Comments
Post a Comment