Posts

Amo, hinanap ang bahay ng kanyang empleyado para ibigay ang natitirang sahod at 13th month pay

Image
"Siya si Noel kung tawagin namin ay Bay. I hired him 2 years ago as utility man. Nakakamiss pag absent sya kasi makalat sa ground floor pag wala sya.  Since March 17, nung nag stop kami ng operations dahil sa ECQ ay hindi ko na sya nakita. Hindi nya nakuha ang sweldo nya at ngayon nag release kami ng advance 13th month pay hindi nya pa rin nakuha.  Medyo nag aalala ako kasi baka wala talaga siyang way na maka byahe kasi sa totoo lang ay taga probinsya sya at hindi sya sanay dito sa siudad at isa pa wala siyang celphone.  Nag decide ako hanapin ang bahay nya sa isang barangay sa San Pedro, Laguna at medyo malayo nga at liblib. Gamit ang aking angkas costume ay nahanap ko ang bahay nya.  Tuwang tuwa siya at siyempre ako din kasi nakita kong maayos naman pala ang kalagayan nya at naibigay ko personally ang sweldo + prorated 13th month nya. "Mga simpleng kasiyahan para saatin. Just want to inspire not to impress." Source: James Voltaire Carson

Takot? Pagbibitiw ng 20 personnel ng BOC kinumpirma ni Comm. Guerrero

Image
Inamin ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang sabay-sabay na pagbibitiw sa puwesto ng 20 opisyal ng Bureau of Customs (BOC) nitong nagdaang linggo. Sa isinagawang flag raising ceremony sa Bureau of Customs (BOC), tiniyak ni Guerrero na walang apekto sa kanyang liderato ang resignation ng 20 tauhan. Loading... Paliwanag ng opisyal normal din aniya ang ginawang resignation nang mga umalis na tauhan na nangyayari sa tuwing may bagong luklok na pinuno ng ahensiya. Ito aniya ay upang mabigyan ng pagkakataon ang bagong liderato na magpatupad ng mga programa at reporma. Hindi pinangalanan ng Commissioner ang mga nag-resign ngunit kanyang sinabi na ang 20 ay pawang presidential appointees. Tiniyak din ni Guerrero na wala siyang bitbit na tauhan na itatalaga sa mga nabakanteng posisyon sa bureau kundi aayusin lamang aniya ang sistema. Source: https://rmn.ph/takot-pagbibitiw-ng-20-personnel-ng-boc-kinumpirma-ni-comm-guerrero/ Loading... ...

Aarangkada Na | Kauna-unahang Eco-Airport sa Buong Bansa Bubuksan na Bukas!

Image
Pasisinayahan na bukas ang kauna-unahang “eco-airport” sa Pilipinas. Ang Bohol-Panglao International Airport na tinaguriang “Green Gateway to the World” ay kayang mag-accommodate nang hanggang dalawang milyong pasahero kada taon, higit doble sa kapasidad ng Tagbilaran Airport na 800,000 passengers kada taon. Loading... Mayroon din itong mga environment friendly features tulad ng solar panels sa Passenger Terminal Building at gagamit din ito ng natural ventilation at maaari ring magamit muli ang waste water mula sa airport o ibalik ito sa kalikasan dahil pasado sa mga pandaigdigang pamantayan ang solid waste disposal system at waterworks system ng paliparan. Simula din bukas ay tatanggap na ng international flights ang Bohol-Panglao International Airport Inaasahang mas dadami pa ang turistang bibisita sa Bohol at iba pang kalapit na lalawigan kapag nabuksan na ang nasabing paliparan. Source: https://rmn.ph/aarangkada-na-kauna-unahang-eco-airport-sa-bansa-...

Slogan ng DOT na “It’s more fun in the Philippines”, Posibleng mapalitan na

Image
Posibleng mapalitan na sa susunod na taon ang ‘It’s more fun in the Philippines‘ slogan ng Department of Tourism (DOT). Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat – target ng campaign rebranding na makuha ang pansin ng kasalukuyang henerasyon. Loading... Maliban aniya sa tourist spots, nais ng DOT na palakasin ang promotion ng mga pagkain, mga magagandang asal ng mga Pilipinas. Tiniyak naman ng kalihim na hindi makakaapekto ang plano sa industriya ng turismo. Ang nabanggit na slogan ay mula pa noong 2012 ginagamit. Source: https://rmn.ph/papalitan-slogan-ng-dot-na-its-more-fun-in-the-philippines-posibleng-mapalitan-na/ Loading...

South Korean to Filipinos: You go to church every Sunday but nothing has changed

Image
Filipinos always complain about the corruption in the Philippines. Do you really think the corruption is the problem of the Philippines? I do not think so. I strongly believe that the problem is the lack of love for the Philippines. Let me first talk about my country, Korea. It might help you understand my point. After the Korean War, South Korea was one of the poorest countries in the world. Koreans had to start from scratch because entire country was destroyed after the Korean War, and we had no natural resources. Loading... Koreans used to talk about the Philippines, for Filipinos were very rich in Asia. We envy Filipinos. Koreans really wanted to be well off like Filipinos. Many Koreans died of famine. My father & brother also died because of famine. Korean government was very corrupt and is still very corrupt beyond your imagination, but Korea was able to develop dramatically because Koreans really did their best for the common good with their he...

Pangulong Duterte, Galawang Diktador at Terorista Ayon sa Grupong KARAPATAN

Image
Tinawag na galawang diktador at terorista ng grupong KARAPATAN ang inilabas na MO o Memorandum Order number 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ay kasunod ng pagpapalawig ng state of lawlessness sa apat na lugar sa Visayas na malakas umano ang presensya ng mga miyembro ng CPP-NPA at NDF bukod pa sa Mindanao. Loading... Ayon kay Christina Palabay, Secretary General ng KARAPATAN, bibigyang katuwiran lang umano ng kautusan na ito ang walang habas na pagpatay sa mga inosenteng sibilyan Kasunod nito, sinabi rin ni Palabay na ang naging hakbang na ito ng Pangulo ay maituturing na ring paraan ng administrasyon upang palawigin pa ang termino nito sa pamamagitan ng pagkontrol niya sa mga bayan gamit ang puwersa ng military. Sa kasalukuyan, nagtipon-tipon ang iba’t-ibang grupo sa Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City para sa kanilang peace forum. Dito, ipinanawagan ng grupo na palayain ang lahat ng mga political detainees at muling buhayin ang peace talks...

Samsung electronics, Humingi ng Sorry sa mga Manggagawang nagkaroon ng Cancer

Image
Humingi ng paumanhin ang Samsung electronics sa mga manggagawa nito na nagkaroon ng cancer kasunod ng pagtatrabaho ng mga ito sa mga pabrika. Nabatid na aabot sa 240 na empleyado nito ang tinamaan ng sakit. Loading... Aminado si Samsung co-president Kim Ki-Nam – palpak ang kanilang health risk management sa semiconductor at LCD factories. Nangako ang Samsung na tutulungan ang mga apektadong empleyado sa pamamagitan ng financial compensation na hanggang $133,000 o katumbas ng halos ₱7 million bawat kaso. Sakop nito ang 16 na uri ng cancer, miscarriage, congenital diseases. Ang Samsung ay pinakamalaking mobile phone manufacturer sa buong mundo. Source: https://rmn.ph/nag-sorry-samsung-electronics-nag-sorry-sa-mga-manggagawa-nito-na-nagkaroon-ng-cancer/ Loading...